Nakasaad sa batas natin ang 60/40 economic provision na ang
ibig sabihin ay 60 percent of ownership ay dapat sa pilipino at 40 percent lang
ang dapat sa foreign. Sa mataga; na panahon ito ang naging policy ng 1987
constitution pero ngayon ilang taon na ang nakalipas eh wala pa rin halos
pagbabago sa ekonomiya at talamak pa rin ang unemployment sa bansa. Sabi ng mga
Liberal at ibang kaliwanng grupo na importante ang probisyon na ito para daw
maprotektahan ang ang mga maliliit na negosyanteng pilipino laban sa malalaking
corporation ng ibang bansa. Tama Ba ang Claim ng mga taga-pagtanggol na ito?
Edi isa isahin natin.
>>Ang 60/40 ay
isang provision na pumoprotekta sa mga maliliit na pilipinong negosyante.
Ang totoo dito, ang
tunay na naproprotektahan ng probisyong ito ay ang malalaking Kumpanya katulad
ng SM, ayala Corporations, at iba pa. At ang totoong nangyayari, ang tunay na
pumapatay sa MALILIIT na negosyo ay ang malalaking korporasyon na ito at at
hindi ang Multinational companies. Eh ang tanong kung gusto talaga natin
protektahan ang maliliit na negosyo bakit hindi tayo gumawa ng probisyon na
nagproprotekta sa ma maliliit na negosyo laban sa mga malalaking negosyo
katulad ng SM? Ang sagot dyan ay dahil sa NANINIWALA tayo na KAYA DIN MAKIPAG
COMPETE ng maliliit na Negosyo sa malalaking pilipinong negosyante at para rin
ma engganyo ang maliliit na negosyo na magpalaki o magpalawak ng kanilang
maliliit na kumpanya.
>>Tataas daw
ang land value pagnaipasa ang 100 percent ownership.
Itong statemennt na
ito ay napaka misleading bakit ko nasabi? Hindi porket 100 percent ownership ay
kasama na pati ang karapatan ng mga foreigners bumili ng lupa kung tutuusin
pwede mo pa rin ipagbawal ito kung sakali. Ang pagtaas ng land value ay hindi
lang din sa kung pwede ng bumili ang mga foreigner kung hindi sa
development growth din ng mga mamayan ng
bansa or kahit ng mga infrastructures ng bansa kung ang isang lugar ay maganda
ang infrastructures ay siguradong dudumugin ito ng mga pilipinong may negosyo
at yan ang magiging dahilan ng pagtaas ng land value parang Law of supply and
demand lang yan. So Hindi sa lahat ng pagkakataon eh sasabihin mo na ang banyaga
ang dahilan ng pagiging mediocre ng bansa.
Benepisyo ng
Pagtatanggal ng 60/40 economic Provision sa Constitution.
>>Pagkakaroon
ng maraming trabaho.
Ang pagkakaroon ng trabaho ang isa sa pinaka importante
lahat dahil dito nagsisimula ang lahat ng development at improvement. Dahil dito
lumalakas din ang demand sa mga produktong pinoproduce din ng bansa na
magreresulta din ng expansion ng mga Businesses na ang ibig sabihin din nito ay
mas marami pang trabaho.
>>Hindi na
kailangan maging OFW para sa mas malaking sahod.
Dahil sa marami na ring trabaho dito sa bansa ay hindi mo na
ring kailnagan magtrabaho pa para sa mas malaking sahod dahil sa mangyayaring competitive
salary na pwedeng ioffer ng kumpanya sayo base sa iyong skills at knowledge sa
work. Kaya hindi mo na kakailangan na magpakahirap, mapalayo sa pamilya or
Maabuso ng mga banyagang employer sa ibang bansa.
>>Better
services
Better services ang pwede maioffer ng mga kumpanya. Sa
ngayon tatlong telco lang ang meron sa pilipinas na halos may monopolyo na sa
pilipinas kaya nananatiling bulok ang systema ng internet dito pero kung
sakaling dagdagan pa ng isang telco ay masisigurong magkakaroon ng Competition.
Pag nagkaroon ng mga competition sa kahit ano mang bagay paniguradong
magkakaroon ng magandang serbisyo na maipoprovide ng kumpanya.
>>Pagmura ng
ilang bilihin.
Pagmura ng ibang bilihin pwedeng magmura ang bilihin dahil
sa kumpetisyon ng mga kumpanya. Yung mga pinoproduce sa ibang bansa katulad ng
chocolates, damit, sasakyan, at iba pa ay pwede ng dito na lang gawin dahil sa
posibilidad na magtayo ang mga ibang
mutinational companies ng mga factory dito na pwedeng makabawas sa delivery
cost ng mga barko galing ibang bansa papunta dito.
Ngaun na mas marami ang Benepisyo ng pagbubukas ng ekonomiya
sa mga banyaga, dapat na nating alisin ang provisiong ito sa Constitution. Ito
ang Sikreto ng bansang Singapore sa kanilang pag unlad at mas maunlad pa nga si
Pilipinas given na walang natural resources ito at kahit ultimong tubig na
maiinom ay halos wala sila. Dapat nating tandaan na ang napoprotektahan lang sa
60/40 ay ang mga Malalaking Kumpanya at hindi ang Maliliit dahil ang mismong
pumpatay sa maliit na kumpanya ay ang malalaking kumpanya, ngayon bakit sa
maliliit na kumpanya din na ito ay may mga lumalaki at umuunlad din? Dahil
nagiging Competitive din sila laban sa mga malalaking kumpanya. Same way din
dapat pag pumasok ang mga banyagang kumpanya dito dapat din maging competitive
ang mga malalaking kumpanya at hindi dapat bine-baby ng Gobyerno. Ina-Advocate
ko ito dahil naniniwala ako na kayang lumaban ng mga Kumpanyang pilipino laban
sa mga kumpanya ng mga banyaga. Malaki ang tiwala ko sa mga kakayahan ng mga
pilipino na lumaban.
Comments
Post a Comment