Endorsement of the Concom draft(Federal Presidential) by President Duterte





Ngayong natapos na ang Sona ay siguradong magsisimula na ang session ng kongresso isa sa mga agenda sa pagbubukas ay ang consitutional ammendment. Nang matapos na ang Concom draft, inendorso ito kay Pangulong digong at naapreciate ni presidente ang ang draft at ito ay isang Federal Presidential na IBA SA IPINANGAKO ni Digong noong 2017 Sona na French style daw ang gusto nya or hybrid. Ano ba ang Malaking Mali sa ConCom draft? 


1.Una is Niretain nito ang 60/40 economic provision, na magbibigay sana ng maraming trabaho sa mga pilipino.

2. Presidential Pa rin ito. Samakatuwid napaka makapangyarihan pa rin ng presidente  dito hindi mo agad agad matatanggal ang head of the government. Unlike sa parliamentary the prime minister can be removed via vote of no confidence. Limitado din ang accountability nito na ginagarantiya ng Parliamentary system.

3.  Parang mas lumaki ang burukrasya ng gobyerno. Dahil napaka daming senador, at iba pa. Unlike sa isang Unicameral na kahit ilan lang ay talagang epektibo pa rin.

4. ang paggawa ng batas kada rehiyon ay nakadepende pa rin sa National government. Hindi yan ang tunay na pederalismo kung ganun dahil bakit pa kailangan ng approval ng national government ang batas na tingin nila ay nararapat sa kanila?


Ano ba talaga ang Nasolve nila sa ConCom draft? Para sakin ang pwedeng masolve lang nito ay traffic congestion. Wala na akong maisip pa na masusulusyonan ang draft na ito. Ngayon ANG DAMING NAGSASABI na SIGURADO NA DAW YAN KASI INENDORSO ni Presidente sa Kamara. Ganito Hindi Porket Inendorso ng Presidente ay yun na yun at Kinabukasan ay plebesito na agad katangahan yun. Dahil sabi sa “ARTICLE XVII AMENDMENTS OR REVISIONS

Section 1. Any amendment to, or revision of, this Constitution may be proposed 

(1) The Congress, upon a vote of three-fourths of all its Members; or

(2) A constitutional convention.

Maliwanag na nakasaad dyan. Magsisilbing guidance lang ang Concom draft sa pwedeng gawing constitutional Provision. Ngayon sasabihin nila Eh BAKIT NG PANAHON NI MARCOS NASUNOD GUSTO NYA PATI NG KAY CORY AQUINO? IMPORTANTE NA MALAMAN NYO na napwersa ni Marcos ang kanyang constitution dahil sa pamamagitan ng BATAS MILITAR, At nung Panahon naman ni CORAZON Aquino ang kanya naman ay May BACKING NG REVOLUTIONARY GOVERNMENT! EH ang kay Duterte ano?? Hindi nakadeklara ang Martial law or Revolutionary government ngaun. So ano ang ikakatakot ng Mambabatas kung hindi masunod ang inendorso ng Pangulo? Kaya Nararapat Talaga na Isulong ang FEDERAL PARLIAMENTARY form Of Government.

Comments