Anti-Political Dynasty Logical ba?





Una sa lahat ano ba ang ibig sabihin ng Poltical Dynasty:

1. A succession of rulers from the same family or line. 2. A family or group that maintains power for several generations: a political dynasty controlling the state. [Middle English dynastie, from Old French, from Late Latin dynastÄ«a, lordship, from Greek dunasteia, from dunastÄ“s, lord; see dynast.]                     

yan ang nakalagay na meaning sa TheFreedictionary.com nakalagay dyan is sucession of rulers from the same family na para magawa mo ito is dapat mamanahin mo ang pwesto or inherited. Sa ating Constitution Walang nakalagay na specific about sa totoong defenition ng Political dyasty.

Sa Philippine Constitution eto nakalagay:Article II Section 26, "The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law." Kaya Walang Clear kung ano ang meaning ng political Dynaties. 

Pero ang majority ng mga pilipino against sa mga political dynasty as if ang root cause ng Corruption ay Political dynaties. Well sinasabi naman nila na ang isang bagong politiko pag naelect ay may posibildad na magtayo ng kanyang powerbase sa kanyang probinsya papatakbuhin nyang sunod ay pwedeng asawa nya, or mga anak nya para mahawakan ang buong probinsya. Nakasaad yan sa draf bill ni Colmenares House bill no.172 nakalagay din sa housebill na ito na pwede daw Mamonopolized daw ang political at economic control ng isang pamilya. Let us say na may MONOPOLYO sa Political Control pero paano ito nangyayari at paano napepwesto ang isang kamaganak ng Politiko?? TANDAAN, tayo ang Nageelect sa kanila. Sabi naman ng iba “eh kasi ang mga nagbibilang daw sa Polling precints at ang COMELEC ay Nababayaran para manalo ang isang politico at gamit daw mismo ang pera ng bayan para sa mga suhol suhol. At dahil dyan Nakicriticize mismo ang ahensya na nababayaran daw without any proof or court ruling at kaya nga may sinasabing mga recount.  If you have lost your Confidence why should we have an election? Sino ba talaga ang may problema? Minsan ang talagang may problema eh tayo rin mismo bakit? Eh yung iba satin Nagpapabayad KAYA KUNG ANG ISANG POLITIKO ay NANUNUHOL ANO NGAYON DAPAT ANG GAWIN MO? Edi Wag Mong Iboto. Kung ayaw mo ng magkakamag anak sa politica edi wag mong iboto yung ibang miyembro ng pamilyang yun. 

Ang point dito is HINDI lahat ng Political Families ay masama pero hindi ko rin naman sinasabi na dapat Politcal dynastiy lang ang meron. Hindi rin naman IBIG SABIHIN NA PAG IKAW LANG ANG MAG-isa At wala kang kasamang Kapamilya or kamag-anak sa Politika eh HINDI KA NA CORRUPT. Infact Marami rami din ang mga politiko na walang kasamang kamag anak sa politika, pero Corrupt. Like for example si Enrile if you believe that he is a Corrupt politician. 

MAADRESS ba ng anti Political dynasty bill ang Corruption issues? Ang Sagot walang garantiya katulad nga ng sinabi ko hindi naman lahat ng political dynasty lang ang corrupt pati yung mga walang kamaganak sa politka? Best Adressed yang mga yan sa pamamagitan ng pagboto. Ngayon gusto nilang lagyan ng restriction ang PAMIMILIAN MISMO NG TAO. Ang tanong ko bakit mo LILIMITAHAN ANG OPTION NG MGA BOTANTE sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Anti-Political dynasty? At Nililimit mo rin ang kalayaan ng isang kamag anak na tumakbo sa office. Sa ibang bansa May mga political dynasty din tulad ng mga Kenedy sa US, at iba pa. 

Eh sasabihin ng iba "eh naka lagay sa Article II Section 26, "The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law." Kaya Walang Clear kung ano ang meaning ng political Dynaties. " So dapat iguarantee ng estado ang equal opportunities sa bawat pinoy na gustong mag silbi at dapat daw walang Political Dynasties. una sa lahat Hindi naman sila naglagay ng meaning kung ano ba ang political dynasty katulad ng paliwanag sa taas. Ipinapamana ba ng mga Politiko ang kanilang posisyon? Ang Garantiya ng equal opportunities ay mangyayari lamang kung malayang makakatakbo ang iba including na rin ang mga kamag anak ng politiko. Yun ang totoong Equality at ang magbibigay ng Oportunidad sa candidato ay Tao mismo or botante mismo. BOTANTE ANG BATAS SA ELECTION HINDI ANG GOBYERNO ANG MAGTATALAGA KUNG SINO ANG IBOBOTO NG TAO!! Realidad yan.


Ngayon pano mo maaddress ang issue ng corruption?? Maglagay ng Anti Political Dynasty Bill?? No Syempre Hindi. Ang sagot dyan strengthening Commision on Audit or give More powers sa COA. Lahat ng project must be audited. Ang Abolisyon  ng PDAF ay nagkaroon ng malaking tulong dahil ang Pdaf hindi naauaudit. Isa pang dapat pagtuunan ng Pansin ay ang Ombudsman na syang nagfafile ng case sa mga politiko. At ang Freedom of Information law, para maging available publicly ang mga documento. Kaya Dapat Munang Suriin ang batas bago ito IPATUPAD dahil Pag Hindi napagaralan Mabuti  ay siguradong Sayang ang effort sa paggawa at 

Comments