May tama ba ang Conclusion ng mga Obispo sa Gobyerno at Federalismo?





May tama ba ang Conclusion ng mga Obispo sa Gobyerno at Federalismo?

Hindi ko sisitahin ang kanilang pakikisawsaw sa usapin ng gobyerno dahil karapatan nila ito under freedom of speech. Isa isahin nating Idebunk ang mga sinasabi nitong mga paring ito.

Una sa lahat dapat tayong maging mapanuri bago magconclude ng mga bagay bagay lalo na sa mga opinion. Talakayin natin ang mga maling conclusion lalo na si Bishop Pabillo isa isahin natin ang statement or sermon nya nung June 18, 2018 sa Quiapo church eto:
“If we all speak out our voices will reverberate, it will be heard in the whole country that it is wrong to kill, enough of the lies, enough of the bad words, that the quo warranto is illegal, that we are against cha-cha, stop the extrajudicial killings, that we should not give the Philippines to China”

Sa unang sentence nya sinabi nyang “If we all speak out our voices will reverberate, it will be heard in the whole country that it is wrong to kill” masama naman talaga ang pumatay kung tinutukoy nya ay yung mga salitang ginagamit ng pangulo na nakalagay naman sa police operations ay nagkakamali sya dapat malaman ng obispo na yung ibang mga kalaban g pulis ay handa talagang pumatay at kapag ikaw na ang nsa sitwasyon na yun ay pwedeng mapatay mo ang suspect. Kaya nga merong imbestigasyon din na ginagawa at hindi porket sinabi na ng pangulo na patayin ang mga ito e ibig sabihin state sponsored killing na agad kasi unang una kailangan may directive ito galing sa pangulo na written at pirmado ng pangulo na nagsasabi na patayin ng mga drug pusher, at kung totoo na patayin dapat lahat ng mga drug pusher BAKIT MAY MGA NAKAKULONG PA RING DRUG PUSHER EDI SANA PATAY LAHAT YUN? At kung tinutukoy mo ay ang pagpatay sa mga pari na akala mo na ang pangulo ang gumawa o ang gobyerno, nagkakamali ka nambibintang ka ng walang ebidensya sabi nga sa “Exodus 20:16 “You shall not bear false witness against your neighbor.”

Pangalawang stanza ng sinabi nya “, enough of the lies, enough of the bad words” Anong lies ang pinagsasabi mo bishop? Kung lies man bakit hindi mo muna KINONDENA ang RAPPLER at ibang nagsisinungaling? Bakit singled out ang Pangulo dito? BAD words? Kasama ang bad words sa malayang pamamahayag at expression ng isang tao Hindi tayo teokrasya kundi demokrasya tayo.

Pangatlong stanza, “ that the quo warranto is illegal” Illegal daw ang Quo warranto sino ba magsasabi ng illegal ang isang action ng korte? Simbahan? Mga Obispo? At pano mo nasabi na Illegal? Ibang iba kayo kay Jesus. Si jesus hinayaan lang nya ang estado sa pagsasagawa ng batas ng tao kinondena ba ng panginoong jesus ang Gobyerno ng Imperyong Romano?

Pang apat na stanza “that we are against cha-cha, stop the extrajudicial killings” You are against cha-cha? Bakit? Eh kung tutuusin lahat ng ito nangyari sa Constitution ng 1987 nabasa mo na ba mahal na obispo ang Probisyon ng Pederalismo para kontrahin mo ito o baka naman nag Conclude ka kaagad ng hindi pa ito binabasa?  Ganyan ba ang judgement mo sa mga bagay bagay mag conclude muna bago kumuha ng ebidensya?

PangLima “that we should not give the Philippines to China” Ano naman ang pinagsasabi mo na isinusuko ng gobyerno ang pilipinas sa china” Yan ang mahirap putak ng putak pero wala naman solusyon. Bishop Pabillo sige nga ano ang solusyon mo ukol dito sa west philippine sea Gera o pag uusap? Kasi kung pag uusap ang sinasabi mo nag uusap naman na ang China at pilipinas tungkol dito at naghain na rin ng ilang diplomatic protests at kung gera naman ee nasan na yung sinasabi mo na Stop the Killings? Sabihin mo kung ano ang iyong alternatibo o baka naman alternatibo mo dasalan ang sitwasyon sa china? Bakit hindi kayo ang magrally doon sa scarborough shoal? Dapat mo rin tandaan na kailangan mo rin ng malakas na hukbong sandatahan para may pang bargaining agreement ka at hindi ka push over pero kung aasa tayo sa US ee bakit pa tayo ng bansa? Eh kaso sa tuwing bibili ng mga bagong armas ang sandatahan kinokondena nyo din naman at sinasabing itgil ang militarisasyon..

Eto pa ang pahabol na statement ng Obispo ““He is using the Lower House to push for death penalty, impeachment, cutting the budget of those who disobey him, in pushing for charter change, and the fake promise of federalism,”

Again Mr. Pabillo anong pinagsasabi mo na impeachment? Sino ba ang inimpeach? Wala naman. Unang una kung si Atty. Sereno lang ang tatanungin mas gusto nya ang impeachment kesa sa Quo warranto by saying that “I can only be removed through impeachment” Nagbabasa ka ba ng mga Dyaryo? 

Cutting the budget? Kanino? Yung sa human rights ba hindi naman cut ang budget ng CHR kung CHR tinutukoy mo magbasa ka naman ng Dyaryo or manood ka ng telebisyon” 
Fake promise of federalism? Pano mo nasabing FAKE PROMISE OF FEDERALISM eh Hindi pa nga tayo federal?? Pano mo nasabing fake promise kung hindi pa naisasagawa ang Constitutional reform? Ang masasabi kong FAKE PROMISES ehh Yung PROMISES NG 1987 Constitution na True Democracy etc. At tandaan mo nangyayari yan under that horrible constitution. Basahin mo muna ang probisyon ng pederalismo bago ka mag opinion!

Comments

  1. Casino - MapYRO
    Welcome 당진 출장샵 to the 구미 출장마사지 Casino 용인 출장안마 Directory for Casino Games 경기도 출장안마 in San Jose, California. 안산 출장샵 This directory offers information and information about all casinos in San Jose. Rating: 4.3 · ‎6 reviews

    ReplyDelete

Post a Comment