Fake News, freedom of Speech at freedom Of Expression








Maraming nagkalat sa social media na mga fake news, fake website at fake accounts sa FB. Pero dapat bang maglagay ng restriction dito? Pero ano ba ang pangontra sa fake news dapat bang gumawa ng batas laban sa fake news. Una sa lahat ang meaning ba ng freedom of expression at freedom of speech , ang ibig sabihin ba nun is dapat katotohanan at katotohanan lng ang nakapaloob dito? Syempre sakop nyan lahat ng uri ng expression at information na pinapayagan sa batas.

ARTICLE III


BILL OF RIGHTS
Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

MALINAW ang BATAS na ito.  Ngayon sabihin natin na kunyari naipasa ang batas laban sa pagbabawal ng fake news o nagkaroon ng batas laban dito. Ang tanong dyan sino ang Maghuhusga kung ano ang katotohanan sa peke?? Estado mismo? Biglang bumanat si Sen. Grace poe sabi nya nung last senate hearing na hindi naman sila maglalagay ng batas for the Citizes pero sa mga government officials daw at dinagdag din na “ public officials should be held to a higher standard. There are certain things that are expected of us because we've waived that certain right since we are serving the people and we have to be transparent and held to a higher standard”. At eto nga binabalak nyang gumawa ng batas para dito at ito ang. 

“Senate Bill #1680 

AN ACT AMENDING SECTIONS 4 (B) AND 7 OF REPUBLIC ACT NO. 6713, OTHERWISE KNOWN AS THE ‘CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES’, AND FOR OTHER PURPOSES


 Sa unang tingin napaka gandang pakinggan ng batas na ito at sakop lang nito ang mga government officials at Sinang ayunan din ito ni Senador Antonio Trillanes at sinasabi na we should have higher standards as a government official at nag respond naman si Harry roque na sinasabi na “The protection of the bill of rights is for ALL” rumesponde ulit si Trillanes at sinasabi na as officials we have waived certain rights isa na dyan ay ang pagsasagawa ng SALN kada taon. May point si trillanes dyan pero tricky ang respond naman ni Harry Roque na ang provision ng SALN ay para makita ang kalagayan ng mga politiko kung ito ay yumayaman at para mapangalagaan din ang interes ng mga mamayan dahil ang mamamayan ang nagbabayad ng mga buwis at isa ito sa requirements ng integridad.”  AT dinagdag pa ni roque na Di po dapat ganito pero ang realidad, kapag ay ikaw mataas na taong gobyerno, di ka lang naman puro kakampi ng gobyerno. Meron ding oposisyon. Ang tanong ko sa inyo: Ang mataas na taong gobyerno ba na kakampi ng administrasyon, lilitisin pag sila’y lumabag dito? Chances are sa ating kasaysayan, 'pag ikaw malapit sa gobyerno, hindi ikaw lilitisin,” yan ang reply ni Secretary Harry Roque sa mga dilawang senador. Sabi nga ni thinking pinoy “The best antidote for fake news is the truth”
Lahat tayo I entitled sa ating sariling opinion. Kaya’t kung lalagyan ito ng restrictions mawawala ang esensya ng kalayaan, at sino magsasabi ng katotohanan o ng peke gobyerno? Ang pagkakaroon ng ibat ibang impormasyon peke man o totoo ay isang characteristic ng pagiging demokrasya at dito mo rin malalaman kung sino ang ENGOT at MATALINO tungkol sa pagkilatis ng totoo..

Comments