An analysis on Revilla's name being cleared by a witness and the black propaganda pattern.





Recap:

Alam naman natin na sa mga nakalipas na taon ang pagkakasangkot ni Senator Bong Revilla ay naging maugong at dahilan para magkaroon ng Million People March. Idinawit sya ng mga sangkot na si Janet Lim Napoles at ng isang whistle na si Marina Sula. At dahil din dito isiniwalat ni Bong Revilla ang DAP na nagsasabing suhol daw para maconvict si CJ Corona. At ngaung buwan nga ay tinanggal ni Maruna Sula ang dating senador at kineclaim nito na si Ben Hur Luy ang gumagaya ng pirma ng senador. Matatandaan din na si Benhur luy ang nagsiwalat ng Pork Barrel scam after na mairescue sya ng mga agent ng NBI sa ortigas. Sa pahayag sa Korte suprema noon ay sinabi nya na nung una ay ayaw daw nyang pumayag na sumama sa NBI dahil sa kung ano ang pwedeng gawin ni Napoles sa kanya at dahil sa mga koneksyon nito sa gobyerno. At nakalagay din sa afidavit ni luy ang mga ito. At ang mga transaction ni Revilla at Napoles ay sinasabing merong pirma ni Bong revilla pero nung taong 2013 ay sinabi ni Revilla na Forged ang pirma nya. Pero dahil pa rin sa accusation at inihaing afidavit ni luy ay kinulong pa rin si Revilla at dito bumagal ang kaso at natabunan na.



Presidential Bid and the start of the Black Propaganda

Nalala ko lang last time na si Bong Revilla ang gustong maging standard bearer ng partido LAKAS na sya ring Partido ng primerong kalaban ni PNOY na si dating pangulong Arroyo at dahil dyan naging chairman si Revilla ng kanyang Partido at dahil na rin sa sya ang nag Number 1 na senador sa nakaraang 2010 elections. Dahil dito naging threat sya sa magiging kandidatura ni Mar Roxas na kahit na nagdeclare si Mar Roxas noong 2015 lng ay maalala naman natin na nag stand down sya kay Aquino noon at siguro bilang pagtanaw ee kailangan gawin ang propaganda laban sa posibleng maging contender ni Roxas. Hindi naman nating pwedeng isang tabi ang posibilidad na ito dahil din naman sa nangyari Kay Bise Presidente Jejomar Binay na lumabas ang mga isyu ng kurupsyon, nung malapit na ang Halalalan dahil number 1 ito sa polls nung mga oras na iyon. Nung time naman na Umangat sa Polls si Grace Poe ay sya naman itong sinunod na siraan kesyo may issue sa residency nya at may nagbabanta na idisqualify sya sa 2016 election. At nung mga huling araw ng election ng tumaas na ang Poll ni Duterte ay lumutang ang issue ng EJK sa kanya. Ginawa din ito nung panahon ng Impeachment ni Corona na siniraan muna sa tao at para maimpluwensyahan ang desisyon ng Impeachment Court. Matatandaan din bago ito mangyari ay minamadali na ni Aquino ang pag remove kay Corona sa kadahilanang Midnight appointee daw, Lalong lumala ang hidwaan ng dalawa ng magkaroon ng desisyon ang korte suprema na naggagrant sa Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita na maclaim ang ilang bahagi ng nasabing asyenda at dahil dito nagsimula ang lahat ng PANINIRA laban kay Corona. Nagrally din ang mga taga MAKABAYAN bloc kay Corona kahit na dinisisyunan ni Corona na dapat ipamahagi mga magsasaka ang asyenda. Dapat nyong makita at obserbahan ang ginagawang Kabulastugan ng Partido Liberal sa nangyayari.


Comments