Marami sa pilipino ang tingin sa Capitalism ay mali dahil negosyante lang ang nakikinabang dito at lalong galit din naman sila sa mga NEGOSYANTE. Ang Tawag sa kanila ay mga SOSYALISTA o socialists in english pwede din silang tawaging Makakaliwang grupo. Ang mga ito ay ang mga Akbayan, Makabayan bloc, NDF, CPP at iba pa. Nagpapahirap ba talaga ng tao ang kapitalismo? Mag Analyze tayo.
Kapitalismo ang tunay na nagbibigay ng trabaho
Natatawa lang ako sa mga kaliwang grupo na lagi nilang hinihiling sa gobyerno na bigyan sila ng trabaho. Isang kasinungalingang maituturing yan dahil kung ang gobyerno ang nagbibigay ng trabaho edi sana ang tawag sa nagtatrabaho sa SM ay government employee. Common sense at ni isa walang ginastos ang gobyerno sa pagpapatayo ng mga branches ng SM. Kaya paano ka magkakaroon ng trabaho ngayon na alam mo na na hindi gobyerno ang nagbibigay ng trabaho? Magkakaroon lng naman ng maraming trabaho kung ang isang Kumpanya ay mag eexpand or magpaparami ng kanilang branch. Pag ang SM Nagpagawa ng Mall syempre ang unang mangyayari ay maghihire ang mga construction company na inupahan ng may ari ng mall, ng mga construction workers, at syempre bibili ang construction company ng mga materyales, at bawat materyales na gagamitin ay ginawa din naman ng mga taong gumagawa g mga ito. At pagnatapos ang konstruksyon ay maghahire na ito ng mga magtatrabaho sa loob. Saan papasok ang gobyerno dito? Edi pag singilan na ng Buwis.
Dahil daw sa Kapitalismo lumalaki ang agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.
Totoo pero hindi ito masama. Bakit hindi masama? Dahil pag ang mayaman gusto pang yumamaman magtatayo ito ng marami pang branches dahil dito maghihire pa sya ng mga trabahador. Ang nangyayari dumadami ng dumadami ang nagkakaroon ng trabaho dahil sa ambisyong ng isang tao na yumaman pa. Hindi yumayaman ang isang negosyante dahil sa pagtataas ng kanyang produkto o pagbibigay ng maliit na sahod sa manggagawa.
Paano yumayaman ang negosyante?
Ang isasasagot ng mga tangang sosyalista o komunistang MAKABAYAN bloc na rallyista ay itataas ng mga negosyante ang presyo ng kanilang produkto. Mali sila dyan dahil pag nagtaas sila ng presyon ng bilihin, sino pa bibili sa kanila? Edi lilipat lang sila ng ibang brand or serbisyo ng ibang kupanya. Hindi yata alam ng mga rallyistang yan na may kalaban na negosyante rin ang kumpanyang iyon. At sinong engot ang bibili na produkto ay kasing ganda at tibay ng kalaban pero ang bibilin pa rin ee mas mahal?
Tanong ng ilan bakit itinataas ng mga negosyante ang kanilang produkto.
Maraming factors yan isa na dyan ay ang taxation ng gobyerno pag ang gobyerno nag taas ng buwis sa mga kumpanya, ang unang gagawin ng mga kumpanya ay itaas ang presyo ng kanilang produkto o magtatanggal sila ng mga ibang manggagawa. Dahil pag hindi nila ito ginawa ay talagang malulugi sila. Isa pang factor ay ang pagtaas ng produkto sa world market katulad ng petrolyo yan ang malaking factor isa pang factor ay ang pagtataas ng minimum wage ng mga manggagawa. Yan ang mga tunay na dahilan at hindi ang pagpapayaman lng ng may ari ang factor.
Kaya napaka imposible ng sinasabi ng mga rallyista at sosyalista na “Itaas ang SAHOD ng mga mangagawa at Ibaba ang presyo ng mga produkto” Isang KATANGAHANG PANINIWALA Yan! Pano mo gagawin yun? Unang una kumukuha lang din naman ng sweldo ang mga manggagawa base sa kita ng kumpanya so kung ibaba ang presyong ng produkto ng kumpanyang iyon at itataas ang kanilang minimum wage san ngayon kukuha ng ng pangsahod ang may ari nyan? Common sense kaya dapat itakwil ang mga ganyang statement ng kaliwang grupo..
Comments
Post a Comment